Apektado ang pinapadala ng mga OFW dahil sa pagtaas ng inflation rate sa loob ng 9 na taon.
Noong Miyerkules, inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang inflation rate sa 6.4% noong Agosto mula sa 5.7% noong Hulyo. Huling tumaas ng ganito ang inflation rate na umabot sa 6.6% noong Marso taong 2009, panahon kung saan ang presidente ay si Gloria Macapagal-Arroyo, ulat ayon sa Rappler.
Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, maraming OFW din ang nilalakihan ang kanilang mga padala para matustusan ang mga pang-gastos ng kani-kanilang pamilya.
Taun-taon, nagmamahal ang presyo ng mga pagkain at mga inuming non-alcoholic ng 5.8% noong Agosto, mga inuming may alcohol at tobacco ng 21%, mga gamit sa bahay ng halos 3.5%, mga gamot at mga gamit pang-kalusugan ng 4%, mga restaurant at iba pang gamit at serbisyo ng 4%, recreation at kultura ng 2.4%.
Ayon kay Dennis Mapa, dean ng University of the Philippines School of Statistics, karamihan sa gastos ng mga Filipino na halos 60% ay inilalaan nila sa pangkain at dahil sa mataas na pagmahal ng mga bilihin, mas maraming Filipino ang malalagay sa kahirapan, ulat ayon sa Business Mirror.
“Ang gobyerno ay mahihirapan na makamit ang pangakong pababain ng 14% ang kahirapan ng mga Filipino sa taong 2022”, ayon kay Mapa.
Noong Hunyo, isang eksperto sa migrant labor ang nagpayong mas mainam na taasan ng mga manggagawa ang halaga ng kanilang ipinapadala ng 10-20% matapos tumaas ang inflation rate ng 4.6% noong Mayo.
Halos 10% ng mga pamilyang Filipino ay may isang miyembro na nagtatrabaho sa ibang bansa. Noong 2017, halos US$28.1 billion (PHP1.4 trillion) ang kabuuhang naipadala ng mga OFW pabalik sa Pilipinas.
Original: High inflation to affect Filipino migrant worker remittances
Read: Filipinos urged to send more money home to help families