Isang Amerikanong lalaki ang ikinulong ng 130 na araw matapos siyang makunan na hinaharas ang isang bison noong nakaraang buwan sa Yellowstone National Park habang lasing. Kahit na humingi na ito ng tawad sa hayop sa korte, siya’y pa rin ay ikinulong.
Si Raymond Reinke, 55-anyos na taga-Oregon, ay hinuli matapos siyang makuhanan ng video na kumalat sa internet. Makikita rito na itinataas niya ang kaniyang mga kamay at akmang tumatakbo papunta sa bison, na sa una’y hindi siya pinansin ngunit sumugod rin. Hindi na namansin ang bison matapos tumigil si Reinke.
“Humihingi ako ng tawad sa buffalo. Hindi niya dapat naranasan ang ginawa ko. Pasensya na at hindi ko sinasadyang masaktan ang buffalo na iyon”, sabi ni Reinke sa federal court, kung saan kinakaharap niya ang apat na kasong isinampa sa kaniya dahil sa kawalan ng respeto sa mga national park, iniulat ng ABC Fox Montana.
Ayon sa balitang inilabas ng Yellowstone, inaresto si Reinke matapos nitong magtangkang pumasok sa Glacier National Park kahit na sangkot na ito sa pagiging lasinggero at panghaharas ng mga hayop.
“Hinabol at binastos mo ang bison. Masuwerte ka at hindi ka ginalaw ng bison at nakuha mo pang tumayo sa harap ko”, sabi ng presiding judge na si Judge Mark Carmon.
Hinatulan si Reinke na magsilbi ng 60 na araw sa kulungan dahil sa panghaharas ng hayop, 60 na araw para sa paglabag ng batas at 10 araw para sa pambabastos, na mayroong kasamang 21 na araw na pahinga habang siya ay naninilbihan. Siya rin ay sasailalim sa 5 taong unsupervised probation sa pagbabawal na uminom ng alak at droga, at tatanggap rin siya ng treatment para sa kaniyang pagiging depende sa alak at droga.
Original: Man apologises to bison that he chased, but is still jailed