Kuala Lumpur, capital of Malaysia. Photo: Wikimedia Commons, Alex Tan


Mayroong nasa 400,000 na mga ‘di rehistradong mga Filipino ang binalaan ng gobiyerno ng Pilipinas na magkakaroon ng nationwide crackdown sa mga ilegal na mga migrante sa Malaysia.

Noong Huwebes, sinabi ng Department of Foreign Affairs sa isang pahayag na ang amnesty program ng Malaysia ay natapos na at magsasagawa na ang mga awtoridad ng Malaysia ng immigration crackdown.

Sinabi ng gobiyerno ng Malaysia na hindi magkakaroon ng extension ang Voluntary Deportation Program, na sinimulan pa noong 2016. Ayon sa DFA, 5,844 na mga Filipino lamang ang nagsamantala sa amnesty, na mas mababa pa sa isang porsiyento ng bilang ng mga Filipino sa Malaysia.

“Pinaaalalahanan na namin ang aming mga kababayan sa Malaysia, lalo na ang mga taong walang legal na status, na ang amnesty program ay matatapos ngayon”, sinabi ng Philippine Ambassador para sa Malaysia na si Charles Jose sa isang statement.

Pinaguulit-ulit na ng gobiyerno ng Pilipinas na sabihan ang mga Filipinong nananatili nang ilegal sa Malaysia na samantalahin ang amnesty at umuwi na ng bansa, sapagkat ang mga mahuhuli ay ilalagay sa detention habang nagsasagawa ng mga proseso para sa kanilang deportation.

Original: 400,000 unregistered Filipinos face crackdown in Malaysia

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.