Sumikat ang isang video na nagpapakita ng isang king cobra na sinusubukang kainin ang isang rat snake habang nahuli sila nsa isang lambat sa India.
May habang 11ft ang cobra na siyang kumain ng 5ft. 7in. na rat snake habang nakulong ito sa isang lambat sa isang palaisdaan sa Odisha, India, ulat ayon sa The Times of India. Inakala ng cobra na sinuwerte siya sa kanyang nahuli ngunit nagbago ang lahat nang pati siya ay nabingwit at nakulong rin sa lambat.
Nagpadala ng volunteer ang snake helpline, nagawa nitong matanggal ang lambat, ganoon na din ang rat snake na siyang halos kalahati na sa tiyan ng cobra. Ang nahuling king cobra ay pinalaya rin sa kagubatan.
Ang king cobra ay isa sa pinaka-makamandag na ahas sa buong mundo. Ang lason nito mula sa kaniyang kamandag ay dumderetso sa utak ng sino mang makagat nito na kalimitan ay nakamamatay.
Sa kabilang banda, ang rat snake naman ay walang lason at tanging mga daga lamang ang kinakain nito na siyang may malaking parte sa pagpapababa at pag-kontrol ng populasyon ng mga daga sa lugar.
Original: Video shows trapped king cobra trying to eat rat snake