Riyadh in Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons


Sinampahan ng mga awtoridad ng Saudi Arabia ang isang babaeng employer matapos pilitin uminom ng bleach ang kanyang kasambahay

Isinugod ang domestic worker na si Agnes Mancilla, 35-anyos, noong ika-2 ng Abril sa King Fahad Central Hospital sa Jizan matapos matagpuan siyang walang malay ng ilang miyembro ng Filipino community. Sumailalim si Mancilla sa laparotomy upang tanggalin ang mga nainom na bleach palabas ng kanyang tiyan.

Ayon kay Edgar Badajos, ang Philippine Consul General sa Jeddah, sapilitang pinainom si Mancilla ng bleach ng kanyang amo matapos ‘di umano magkamali ang kasambahay sa paghahanda ng tsaa. Inilagay sa intensive care si Mancilla dahil sa mga natamong internal injuries.

Noong Huwebes, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagsampa na ng kaso ang mga awtoridad ng Saudi Arabia sa employer ni Mancilla. Nasa pangangalaga na ng mga pulis ang employer matapos ma-ospital si Mancilla.

“Nais naming pasalamatan ang mga awtoridad ng Saudi Arabia sa pagsasampa ng mga kinakailangang kaso laban sa employer na umabuso sa aming kababayan”, pahayag ni Secretary Alan Peter Cayetano.

Nagsimulang magtrabaho si Mancilla sa Saudi Arabia noong 2016 at matagal nang inaabuso ng kaniyang amo. Hindi rin daw siya pinapasahod nito, pinagtatrabaho ng halos 20 oras kada araw at kape lamang ang ibinibigay sa kaniya bilang pagkain.

Original: Employer who forced Filipina to drink bleach charged

Read: Maid ‘forced to drink bleach’ by employer in Saudi Arabia

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.