Nananawagan ang isang advocacy group ng mga OFW sa gobiyerno ng Pilipinas na istrikto nang iimplementa ang escrow-fund requirement para sa mga Filipino sa Middle East.
Ayon kay Marcia Sadion, ang national president ng Advocates and Keepers Organization of Overseas Filipino Workers (AKO-OFW), mayroong nasa 5 milyong mga Filipino sa Middle East ang maaaring makaranas ng pagmamaltrato, hindi pagbabayad sa kanila ng sweldo, at pang-aabuso kung ang escrow fund, na dapat sasagot sana sa mga legal claims, ay hindi maiimplementa, iniulat ng Manila Standard.
Sinabi ni Sadion na nanawagan na mismo kay President Rodrigo Duterte ang grupo na istrikto nang iimplementa ang escrow fund at itaas ang dating pondo na US$10,000 sa US$50,000, sapagkat hindi kinakaya ng unang pondo ang mga halaga ng mga claim.
Noong Hulyo, inanunsiyo ng gobiyerno ng Pilipinas na ang mga recruitment agencies sa Kuwait ay kinakailangang maglagay ng US$10,000 sa escrow bilang kasiguraduhan ng mga Filipinong domestic worker.
Gayunpaman, sinuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration ang mga kinakailangan para sa pondo para sa ngayong buwan, sapagkat nais nilang iimplementa ang alituntunin sa kabuuan ng Middle East at sa iba pang mga bansang tumatanggap ng mga Filipinong domestic worker, iniulat ng The Manila Times.
Original: Group urges implementation of escrow fund for workers
Read: Agencies to set up escrow funds for Filipino maids in Kuwait