Qizai belongs to a rare subspecies that has brown and white fur. Photo: Xinhua


Kilala ang China sa kanilang pagmamahal sa mga malalaking mga panda, at may bago silang minamahal na panda: ang nag-iisang Qinling panda na nasa kanilang pangangalaga.

Si Qizai, ay isang ‘di pangkaraniwang panda dahil sa kulay niyang brown at white. Madalas itong matulog at kumain ng mga kawayan sa isang wildlife breeding and research center na nasa ilalim ng Xi’an Zoo sa hilagang-kanlurang China, probinsya ng Shaanxi.

Ang malusog na 9-anyos na panda ay nabibilang sa subspecies na kilala bilang Qinling pandas, ipinangalan kasunod sa isang liblib na kabundukan ng Qinling, ‘di kalayuan mula sa Xi’an, kung saan sila ay madalas matagpuan.

Habang karamihan sa mga giant pandas ay madaling makilala dahil sa kanilang mga itim na marka sa katawan, ang mga Qinling pandas ay naiiba dahil sila ay aakalaing sadiyang pinaputi o may kondisyong tinatawag na albinism.

Si Qizai ay sikat dahil siya lamang ang nagiisang nasa pangangalaga ng zoo. Mas nakilala pa siya dahil sa kaniyang balahibo na siyang kakaiba mula sa mga kasing edad niyang panda. Gumawa ng Weibo page ang Xi’an Zoo para kay Qizai at ito ay may 100,000 followers na.

Noong ika-30 ng Agosto, taong 1989, isang babaeng Qinling panda ang nahuli at dinala sa Xi’an Zoo upang makipagtalik sa isang regular na panda. Nagbunga ito sa isang black-and-white na panda, ngunit kinalaunan ay napagalamang kumukupas ang kulay itim nitong marka sa katawan.

Ang kulay ng mga Qinling panda ay maaring ‘di umano sa pagiging malayo ng mga Qinling sa ibang lahi at walang ibang genetic variation na siyang nagbunga sa pagpe-preserba ng kanilang lahi na siyang dahilan ng pagbabagong kulay ng kanilang balahibo.

Mayroong tinatayang nasa 200-300 Qinling panda ang mga nasa kagubatan.

‘Grey’ panda Qizai is well pampered at a breeding center in central China’s Xi’an. Photos: Xinhua

Original: China’s ‘grey’ panda now the idol of the nation

Read more: Rising numbers mean China’s giant panda no longer endangered

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.