Maria Laroco, 17, had the crowd and judges on their feet with her rendition of Prince's Purple Rain in her audition for X Factor UK. Photo: YouTube


Napatayo ang mga manonood at mga hurado sa kaniyang audition sa UK talent show na X Factor UK.

Si Maria “Maureen” Laroco ay isang 17-anyos na estudyante. Inawit niya ang 1984 hit ng Prince na “Purple Rain” na siyang nagpamangha at nagpatayo sa mga manonood at hurado ng talent show.

Ayon kay Laroco, siya’y lumipad mula Pilipinas patungong UK. Pangatlong beses pa lamang siyang makasasakay ng eroplano, ulat ayon sa Rappler.

“Bata pa lamang ako, gusto ko na talagang maging international superstar. Gusto kong sumikat. Kaya ko ito ginagawa, dahil mahal ko kung anong ginagawa ko at ito ay pinapangarap ko”, pahayag ni Laroco.

Nakatanggap ng papuri si Laroco mula sa mga hurado dahil sa nakamamangha niyang pag-awit. Sinabi ng huradong si Louis Tomlinson na nakamamangha at nakabibilib ang kanyang abilidad sa pagkanta kahit siya ay nasa murang edad pa lamang.

Noong 2014, unang lumabas si Laroco sa isang singing competition na “The Voice Kids Philippines”. Naging mentor niya dito ang kilalang mang-aawit na si Lea Salonga. Subalit, siya’y natanggal sa kompetisyon sa ika-labing isang episode.

Original: Filipina teen stuns crowd with Prince song in UK talent show

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.