Philippine Overseas Employment Administration. Photo: Google Maps


Halos 300 Filipinong migranteng manggagawa ang naiwang walang pagkakakitaan matapos ipatupad ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbabawal ng pagpapadala ng mga manggagawa sa Micronesia.

Ipinatupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong ika-4 ng Setyembre ang ban matapos makatanggap ng mga reklamo na ang ilan sa mga Filipinong health workers ay inaabuso, hindi pinapasahod at sobra-sobra sa trabaho, ulat ayon sa The Filipino Times.

Ang mga Filipinong galing sa bansang Micronesia, na isang isla sa Pacific, na umuwi sa Pilipinas upang magbakasyon lamang ay hindi na pinapayagang bumalik sa bansa matapos ipatupad ang labor ban.

Ayon kay Bernad Olalia, administrator ng POEA, ipinatupad ang ban dahil sa kakulangan ng pagpoprotekta ng gobyerno ng Micronesia sa mga karapatan ng mga  manggagawang Filipino. Maaaring magkaroon pa ng mga problema sa pagpapadala ng mga manggagawa sa bansa kung ito ay magtutuloy-tuloy.

Hindi masasabi ng POEA kung matatagalan ang labor ban at sinuhwestiyon sa mga apektadong manggagawa na subukan nang mag-apply sa ibang bansa tulad ng United Kingdom, Saudia Arabia o Japan.

Original: 300 Filipinos lose jobs after ban on Micronesia

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now.