Filipino workers have been warned about fake jobs in the United Kingdom. Photo: Wikimedia Commons
Filipino workers have been warned about fake jobs in the United Kingdom. Photo: Wikimedia Commons


Binalaan na ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Filipinong nais mangibang bansa sa mga online job offer na mula sa isang kumapanya sa London. Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ang Jersey Oil and Gas Co., isang independent na kumapnya ng langis at petrolyo na nangangasiwa mula sa Jersey sa Channel Islands, ay hindi pa tumatanggap ng mga aplikante at hindi rin ito nasa listahan ng POEA ng mga banyagang mga kumpanya na maaaring tumanggap ng mga Filipino.

Sinabi ng POEA na ang Philippine Labor Office sa London ay nagsabing maraming mga Filipinong migranteng mga manggagawa ang nakatatanggap ng “official employment letter” mula sa kumpanya, na pinapaalam sa kanila naa naapruba na ang kanilang mga aplikasyon sa kanilang mga trabaho.

Ayon kay Labor Attache Reydeluz Conferido, ang employment letter na mga natatanggap ay maraming grammatical errors at naglalaman ng telephone number na iba sa mga numero sa official website ng Jersey Oil and Gas.

“Sa kasalukuyan, ang POEA ay walang record ng accreditation o kahit anong job orders sa ilalim ng pangalan ng Jersey Oil. Kahit anong pagsusumikap ng kumpanyang ito upang makatanggap ng mga Filipinong mga trabahador sa kasalukuyan ay kinikilalang ilegal ng aming gobyerno”, sinabi ng POEA.

Ayon rin sa website ng Jersey Oil and Gas, hindi sila tumatanggap ng kahit anong aplikante sa kasalukuyan, at hindi rin sila nakikipag-ugnay pa sa mga recruitment agencies.

Original: Government warns Filipino workers of job scam in Jersey