Noong Linggo, napanalunan ng Pilipinas ang pinakaunang Miss Tourism worldwide beauty pageant, na ginanap sa Batam, Indonesia.
Lumahok si Zara Carbonell, isang dating modelo at ngayo’y isa nang negosyante, kalaban ang 22 iba pang mga kalahok na mula sa iba’t ibang sulok pa ng mundo upang paglabanan ang korona ng Miss Tourism Worldwide 2018, isang pageant na nagsusulong ng turismo at kultura, iniulat ng Tempo.
Nasungkit ng Thailand ang first-runner up, ang South Africa ang nagsecond runner-up, third ang France at fourth naman ang Siberia.
Hindi lamang ang korona ang iniuwi ni Carbonell, bagkus napanalunan rin niya ang Special Queen Ambassadress, Miss Social Media, at ikalawa sa Best in Talent sa paligsahan.
Ang Filipina, na nagtapos ng organizational communication sa De La Salle University – Manila, ay ang second runner-up sa Miss World Philippines na pageant noong nakaraang taon.
Inaasahang makauuwi na sa Pilipinas si Carbonell sa Sabado.
Original: Filipino wins first ever Miss Tourism Worldwide pageant