Isang 38-anyos na Filipina na mayroong schizophrenia ay nahatulan sa Eastern Magistrate’s Court noong ika-30 ng Agosto sa pagpapabaya sa kaniyang sanggol dahil iniwan niya ito sa kalsada.
Si Angelita S L, isang asylum seeker, ay napatunayang nagksala ng one count of “ill-treatment of neglect by those in charge of a child or a young person”, iniulat ng hongkongnews.com.hk.
Ibinase ni Magistrate Cheng-Lim-chi ang kaniyang pagdedesisyon sa testimoniya ng psychiatrist mula sa Queen Mary Hospital na tumestigo na kahit na may sakit sa pag-iisip ang babae, “alam” nito ang mga nangyayari sa insidente at maaari pa nitong piliing hindi iwan ang anak nito.
Dininig ng korte na ito na ang ikalawang beses na iniwan ng babae ang kaniyang anak.
Sinabi Judge Cheng na tinanggap na niya na ang pag-iisip ng nasasakdal na ang sanggol nito ay ang diablo, ngunit idinagdag niyang siya ay may malay ng mga oras na iyon at pinili niyang iwan ang sanggol nang walang nagbabantay sa may tabi ng basurahan.
Noong Oct. 19, 2017, dalawang taong napadaan lamang ang nagsumbong sa mga pulis na mayroong natagpuang sanggol sa may kalsada ng 280 Queen’s Road East sa Wan Chai sa Hong Kong Island. Natagpuan ang babae at kinalauna’y inaresto, na ‘di umano’y nagtatago malapit lamang sa pinangyarihan ng insidente.
Isa sa dalawang mga saksi, isang South Asian na babae, ay napansin kani-kanina lamang na ang babae ay walang suot na sapatos at siya at ang kaniyang sanggol ay umiiyak sa eksena. Tinanong ito ng South Asian na babae kung ito ba’y okay lamang at sinabi naman ng Filipina na siya’y nasa mabuting kalagayan lamang, pagkatapos ng sampung segundong pagtigil.
Sinundan ng dalawang saksi ang babae at nakita itong inilapag sa may tabi ng isang basurahan malapit sa Tung Wah Centenary Square Garden at naglakad na ito palayo.
Sinabi ni Dr. Michael Wong, isang psychiatrist sa Queen Mary’s Hospital na nagsuri kay Angelita, na siya ay ‘di umano, “nakaririnig ng mga boses at nakakakita ng mga multo at mga pangitain”, na dagdag pa niya’y nakararamdam ang nasasakdal ng mga “psychotic symptoms” nang mangyari ang insidente.Gayunpaman, ipinaliwanag niyang ang nasasakdal ay hindi nakararamdam ng mga “delusional control”.
Nang mabigay ang testimoniya ng doktor, pinagpasiyahan ng hukomna ang babae ay hindi nababaliw nang nangyari ang insidente. Sinabi ng defense lawyer na ang nasasakdal ay kasal at mayroong dalawang malaki nang mga anak sa Pilipinas. Ipinanganak ang sanggol nang hindi pa kasal ang babae, ngunit handa namang ampunin ng kaniyang pamilya sa Pilipinas ang sanggol, dagdag pa ng abogado.
Ang sentensiya ay malalaman lamang depende siya sa mga resulta ng psychiatric reports.
Original: Filipino woman convicted of abandoning baby in Wan Chai