The North-East District Police Headquarters in Penang, Malaysia. Photo: Google Maps


Inaresto ang 46-anyos na Filipina noong Linggo sa brutal na pag-atake ‘di umano nito sa 24-anyos na lalaking Indiano sa isang convenience store sa Penang, Malaysia.

Nangyari ang pag-atake sa Jalan Masjid Kapitan Keling sa George Town ng mga alas-kwatro ng umaga noong ika-9 ng Setyembre, iniulat ng Sin Chew Daily (Malaysia).

Ang babae, isang residente ng Malaysia, ay nakipagrelasyon sa lalaki at nagdemanda ng break-up fee mula sa kaniya. Gayunpaman, hindi pumayag ang lalaki na bayaran ito.

Sinabi ng mga customer sa tindahan na nilapitan ng babae ang lalaking nagtatrabaho bilang cashier, at hinagisan ito ng ‘di pa nalalamang likido sa kaniyang mga mata, na naging dahilan ng pagtakbo nito sa staff rest room sa ikalawang palapag.

Sinundan ito ng babae, at pinukpok niya ito sa ulo ng martilyo at hiniwaan ang kaniyang mukha gamit ang kutsilyo. Sinubukang pigilan ng mga customer ang babae sa pag-atake nito sa lalaki.

Agad na sumugod ang mga pulis sa eksena at inaresto ang babae at kinumpiska ang kaniyang martilyo at kutsilyo bilang ebidensiya. Dinala ang lalaki sa pinakamalapit na ospital kung saan siya’y napag-alamang nasa kritikal na kundisiyon dahil sa natamong brain hemorrhage.

Ikukulong ang babae hanggang sa ika-13 ng Setyembre sa ilalim ng Section 326 ng Malaysian Penal Code, o mas kilala sa voluntarily causing grievous hurt.

Original: Filipina arrested after brutal attack on ex-boyfriend

Asia Times Financial is now live. Linking accurate news, insightful analysis and local knowledge with the ATF China Bond 50 Index, the world's first benchmark cross sector Chinese Bond Indices. Read ATF now. 

3 replies on “Filipina, arestado matapos brutal na atakihin ang dating nobyo”

Comments are closed.