Patuloy na dumarami ang mga Filipinong naghahanap ng trabaho sa US, kung saan mas matataas ang mga sinasahod ng mga nurse.
Ayon kay Aniceto Bertiz III, ang kumakatawan ng ACTS-OFW party-list at miyembro ng House of Representatives, mayroong suma total na 4,533 na nakapagtapos na ang kumuha ng US licensure examination para sa mga nursing graduates simula noong Enero hanggang Hunyo ngayong taon, iniulat ng Philippine Star. Kinakatawan nito ang pagtaas ng 27% sa pareho ring ikli ng panahon noong nakaraang taon.
Sinabi ni Bertiz na maraming Filipinong nurse ang nahuhumaling na magtrabaho sa US dahil higit na mas mataas ang mga sinasahod rito.
Ang kalimitang sinasahod ng rehistradong mga nurse sa Pilipinas ay nasa PHP183,000 kada taon lamang, samantalang sa US naman ay PHP3.7M kada taon.
“Malamang sa ating nalalaman sa Western culture, nakikita ng mga Filipinong mga nurse na mas madaling magtrabaho at mamuhay sa Amerika”, sabi ni Bertiz.
Ayon sa US Bureau of Labor and Statistics (BLS), mayroong patuloy na pagdadagdag ng demand ng mga nurse sa US sapagkat nangangailangan na silang makahanap ng mga kapalit ng mga medical professionals na magreretiro na sa darating na dekada.
Original: More Filipino nurses seek higher-paid employment in US