Nagsampa ng kaso ang 37-anyos na Filipinang domestic worker laban sa kaniyang dating amo sa pamimilit umano nitong pagbitiwin siya sa trabaho dahil sa kaniyang pagbubuntis. Nagsampa ng writ si Caling Pia Karen Sanchez sa Hong Kong’s District Court noong Biyernes upang magdemanda ng HK$197,000 (o PHP1.34M) upang magsilbing kaniyang compensation sa pananakit sa kaniyang mga nararamdaman, kawalan ng pagkakakitaan, at medical expenses sapagkat sinabi niyang nilabag umano ng kaniyang amo ang Sex Discrimination Ordinance ng lungsod, iniulat ng Ming Pao Daily.
Ayon sa writ, tinanggap sa trabaho si Sanchez ni Chan Hing-man noong Oktubre ng 2015. Napag-alaman ni Sanchez na siya’y nabuntis noong ika-2 ng Abril, 2017, at dinala sa ospital matapos ang isang linggo nang makaramdam siya ng mga simtomas ng paglalaglag.
Noong napag-alaman ni Chan ang pagbubuntis ni Sanchez at inakusahan ito ng “kasuklam-suklam” na conspiracy kasama ang kaniyang nobyo na magkaroon ng anak.
Nang kinalauna’y sinabi ni Chan kay Sanchez at sa ina nito na kailangan nilang magbayad ng HK$50,000 (o mahigit sa PHP300,000) na hospital fee upang maisilang ang sanggol sa Hong Kong. Ipinaghanda na rin ni Chan ito ng resignation letter at sinabi ditong gumawa ng kopya at pirmahan ito.
Sinabi ni Sanchez na plano niya sanang tapusin muna ang kontrata ng kaniyang trabaho na nag-expire noong Oktubre ng 2017. Gayunpaman, inuudyok umano siya ni Chan at pinirmahan na ng kaniyang asawa ang resignation letter at gumawa pa ng video na nagsasabing sumasang-ayon na siyang umuwi ng Pilipinas, kung saan lahat ay ayon sa utos ni Chan, nakasaad sa writ.
Nagbitiw na sa trabaho si Sanchez noong Mayo ng 2017, at isinilang niya ang kaniyang sanggol sa isang lokal na ospital. Sinabi ng abogado ni Sanchez, na legal counsel din ng Equal Opportunities Commission na ang pag-uugali ng kaniyang amo ay malinaw lumabas na diskriminasyon dahil sa kaniyang pagbubuntis.
Sinabi ng commission na ito ang ikalawang kaso na tungkol sa isang amo na dinidiskrimina ang kaniyang trabahador dahil sa kaniyang pagbubuntis. Ang unang kaso ay noon pang 2013 kung saan ang Indones na domestic worker ay nanalo at nakatanggap ng HK$126,000 (o mahigit sa PHP800,000) para sa kaniyang compensation, iniulat ng Apple Daily.
Ayon sa Employment Ordinance ng Hong Kong sa kanilang lungsod, mayroong karapatan ang mga domestic worker sa 10 linggong bayad na maternity leave kung sila’y nanilbihan na sa kanilang amo ng 40 linggo o higit pa. Ang among magtatanggal ng kaniyang domestic worker sa kadahilanang siya’y buntis ay pagmumultahin ng HK$100,000 (o mahigit sa PHP630,000).
Original: Pregnant Filipina sues employer for forcing her to resign