Manila, the capital of the Philippines. Photo: Wikimedia Commons
Manila, the capital of the Philippines. Photo: Wikimedia Commons


Ayon sa pinakabagong survey, bumaba ng halos 8.6 milyon ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho noong ikalawang quarter ng 2018.

Gumawa ng survey ang Social Weather Station (SWS) mula ika-27 ng Hunyo hanggang ika-30 at ayon sa resulta, bumaba ng halos 19.7% mula sa 23.9% o higit 10.9 milyong Filipino ang walang trabaho, kumpara sa survey na ginawa noong Marso, ulat ayon sa Rappler.

Ang bilang ng mga walang trabahong Filipino ay binubuo ng mga manggagawang kusang umalis ng kanilang trabaho 9.5% (4.2million), mga tinanggal sa trabaho 6.8% (3million) at mga naghahanap ng trabaho 3.4% (1.5million).

Ayon sa survey, ang sapilitang pagtatrabaho ay bumaba mula 71.4% o 45.8milyon sa 68.3% o 43.8milyon noong Marso. Ang mga Filipino na naniniwalang may mas maganda pang ibang oportunidad ay bumaba ng dalawang puntos mula 49% ng Marso sa 47% noong Hunyo. Ang mga naniniwala namang mayroon lamang kaunting trabaho ay tumaas ng 15% mula sa 12%.

Pinatunayan ni Presidential Spokeperson Harry Roque ang mga datos na nakalap na siya namang sinuportahan ng mga kalalabas lamang na mga datos mula sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authorities na nagsasabing tumaas ang employment rate ng 94.6%, ulat ayon sa GMA News.

Original: Number of jobless Filipinos decrease in June 2018