The iconic Merlion in Singapore. Photo: Google Maps
The iconic Merlion in Singapore. Photo: Google Maps


Isang 42-anyos na Pilipinong engineer, na napatunayan nang nagkasala noon sa pagbabantang patayin ang kanyang 39-anyos na misis sa kanilang paga-way noong Oktubre ng nakaraang taon, ay nasentensiyahan ng 10 buwang pagkakakulong ng isang korte sa Singapore noong Biyernes.

Kinasuhan si Casipit Geronimo Barrientos ng one count of voluntarily causing hurt, one count of criminal intimidation at one count of violating the Women’s Charter sa pagtatalo nila ng kanyang misis na si Mara noong kaumagahan ng ika-11 ng Oktubre, 2017, ayon sa ulat ng Shin Min Daily News.

Kahit na nabigyan na ang kanyang misis ng Personal Protection Order ng hukuman noong ika-2 ng Agosto, 2010, hindi pa rin niya tinigilang saktan ito.

Noong 2:15am ng ika-11 ng Oktubre, 2017, naiulat si Barrientos na sa sobrang kalasingan ay binato niya ang kanyang misis ng kanyang long term visitor pass matapos nitong gisingin at sigaw-sigawan ito.

Pagkatapos ay humugot siya ng lanseta o kutsilyo at pinagbantaang patayin ang kanyang asawa, habang itinututok ang 3.5 pulgadang talim sa leeg nito. Pinagmumumura at nilalait na niya umano ang kanyang misis.

Nakatawag ang misis ng mga pulis, na dumating rin sa oras ding iyon, at pinigilan ang mister. Napag-alaman ng korte na 2 araw bago ang pangyayari, sinaktan at sinampal na umano ng lalaki ang kanyang misis. Noong ika-5 ng Setyembre, naiulat ang mag-asawang mainit na nagkakatalo nang kaladkarin ni Barrientos ang kanyang asawa hawak-hawak sa buhok nito patungo sa kanilang kwarto sa ikalawang palapag.

Napaupo na lamang ang misis habang pinoprotektahan niya ang kanyang sarili gamit ang kanyang mga kamay habang siya’y pinagsasasampal at pinagsususuntok ng kanyang mister.

Original: Filipino jailed 10 months for hurting, intimidating wife