Maaari na ngayong mag-apply ang mga Filipino bilang mga guro ng wikang Inggles sa China sa tulong ng gobyerno ng Pilipinas. Sinabi ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na nasa 2,000 guro na ang kinakailangan sa China sa susunod na buwan, ayon sa ulat ng The Filipino Times.
Sinabi ni Bello na ang China at Pilipinas ay tinatapos na ang mga guidelines ng gobyerno-sa-gobyernong hiring scheme bago ang deployment ng mga Filipinos sa China. Dagdag pa niya’y ang mga interesado ay maaari nang mag-apply sa Philippine Overseas Employment Administration.
Binalaan na ang mga taong huwag magpapalinlang sa mga ilegal na recruiters, at binigyang diin din niyang ang mga aplikante ay marapat lamang mag-apply sa POEA. Nilinaw ni Bello na ang hiring scheme ay isang kasunduan sa pagitan ng dalawang gobyreno.
Ayon kay Bello, walang age requirement ang mga guro at aabot sa nasa PHP74,000 hanggang PHP84,000 ang sahod kada buwan. Maaaring i-renew ang kontrata pagkatapos ng 2 taon.
Original: Philippines opens applications for English teachers in China