Riyadh, the capital of Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons
Riyadh, the capital of Saudi Arabia. Photo: Wikimedia Commons


Inabot na ng kamatayan ang isang migranteng Filipinong mangagawa habang siya’y naghihintay ng kaniyang sweldo at benepisyo galing sa kaniyang amo sa Saudi Arabia.

Si Larry Lancap, na nagtrabaho bilang isang diesel mechanic ng halos 25 na taon sa isang trading and contracting company, ay namatay na sa ospital dahil sa sakit niyang lung cancer at hindi pa ito nabigyan ng tulong ng kaniyang kumpanya, ayon sa ulat ng GMA News.

Ayon sa anak na babae ni Rancap na si Lennylen Rancap Ongkiatco, ang kaniyang ama ay hindi pa nababayaran nang dalawang taon at hindi rin nabigyan ng end-of-contract na mga benepisyo.

“Sabi ng kumpanya, wala raw silang pera. Ipinasawalang bahala ang aking ama at hinayaan na lamang siyang mamatay,” sabi ni Ongkiatco.

Nag-apila ang mga katrabaho ni Rancap sa kumpanya upang siya’y matulungan, ngunit walang sumagot sa kanila. Ang Overseas Workers Welfare Administration ay magbibigay ng mga benepisyo sa pamilya ni Rancap sa Pilipinas.

Ang kaniyang mga labi ay maiuuwi rin sa Pilipinas, ayon kay Ongkiatco.

Original: Filipino dies while waiting for his salary in Saudi Arabia

20 replies on “Patay ang isang Filipino habang naghihintay ng sahod sa Saudi Arabia”

Comments are closed.