Kaohsiung Municipal Siaogang Hospital, Taiwan. Photo: Google Maps
Kaohsiung Municipal Siaogang Hospital, Taiwan. Photo: Google Maps


Natagpuan ang isang 33-anyos na OFW na nakahilata sa lapag ng pabrika at kinalauna’y dineklarang patay sa kabila ng mga sumubok na mga staff ng ambulansiya at ospital ng Kaohsiung City sa southern Taiwan na buhayin ito.

Nakitang nakahilata ang Filipino nang ‘di gumagalaw sa koridor sa labas ng isang paint spraying room sa I-Domain Industrial Company Ltd – isang manufacturer ng lightweight metal panels, noong lunch break ng mga ala-1 ng hapon ng ika-23 ng Agosto, ayon sa ulat ng The Liberty Times.

Dumating ang mga bumbero at mga paramediko sa insidente at dinala ang biktima, na hindi na humihinga at wala nang pulso, sa Kaohsiung Municipal Siaogang Hospital, kung saan siya ay ideneklarang namatay ng 1:45pm.

Pinaghihinalaang namatay ang lalaki sa pagkakakuryente nito sa isang aksidente. Gayunpaman, ang mga opisiyal ng Labor Standards Inspection Office sa Kaohsiung City ay hindi pa nakakakita ng ebidensiya ng pagkakakuryente umano ng lalaki sa pabrika sa kanilang paunang pag-iimbestiga.

Sinabi ng mga opisiyal na magsasagawa muna ng post-mortem examination upang matiyak ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng Filipino.

Original: Mystery over death of Filipino worker at Kaohsiung factory

One reply on “Pagkamatay ng isang OFW sa Kaohsiung factory, nananatili pa ring isang misteryo”

Comments are closed.