Isang Filipinong domestic worker na nababalitang nawawala ay natagpuang patay sa isang kwarto sa hotel sa Jeddah, Saudi Arabia noong nakaraang linggo. Sinabi na ng Department of Foreign Affairs sa isang statement na ang bangkay ng 52-anyos na babae ay nadiskubre sa kwarto ng hotel noong ika-15 ng Agosto.
Gayunpaman, napag-alaman lamang ng Philippine Consulate General ng Jeddah ang pagkamatay nito noong Sabado nang hapon matapos ito ipaalam sa kanila ng isang miyembro ng Filipino community.
Sinabi ni Consul General Edgar Badajos na nakikipag-ugnayan na ang consulate sa mga lokal na awtoridad upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng babae. Hindi inilathala ng consulate ang identity pending notification of the next of kin ng babae.
“Kami’y nalulungkot nang malaman namin ang pagpanaw ng aming kababayan na hindi pa rin nakukumpirma ang tunay na sanhi ng pagkamatay,” sabi ni Badajos. Ayon sa consulate, walang asawa ang babae at lumipad ito sa Saudi Arabia upang mamasukan bilang isang domestic worker noong 2007.
“Inaasahang magsasagawa ng otopsiya ang mga awtoridad upang malaman ang sanhi ng kaniyang pagkamatay,” sabi ng DFA.
Original: Missing Filipino maid found dead in hotel in Saudi Arabia
Grabe nmn????
Keepit up philippine team!! mabuhay