Manama, Bahrain. Photo: Wikimedia Commons
Manama, Bahrain. Photo: Wikimedia Commons


Ang bangkay ng OFW ay natagpuang nakabitin sa isang apartment sa Bahrain. Pinaniniwalaang nagpakamatay ang lalaki.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs sa isang pahayag na ang 37-anyos na lalaking Filipino ay natagpuang nakabitin sa isang ceiling fan sa flat na kanilang pinagsasaluhan ng kaniyang kapatid na babae sa hilaga ng Manama, Bahrain noong Martes.

Hindi inilathala ng DFA ang identidad ng lalaki. Ayon kay Ambassador Alfonso Ver, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Bahrain sa mga lokal na awtoridad na iniimbestigahan ang kaso.

Ayon kay Ver, maiuuwi na ang mga labi ng lalaki sa oras na matapos ang mga gawaing mediko-legal nito. Sinabi ng embahada na ipinaalam na ang nangyaring insidente sa pamilya ng lalaking pumanaw at bibigyan sila ng tulong ng gobyerno ng Pilipinas.

Ayon sa Gulf Digital News, ang Filipino ang ika-anim na dayuhang manggagawa na nagpakamatay ngayong buwan sa Bahrain, na nagresulta sa 22 kaso ngayong taon.

Original: Filipino’s body found in Bahrain, sixth suicide this month

Read: Filipino found dead in Bahrain apartment

One reply on “Natagpuang bangkay ng Filipino sa Bahrain, ika-anim nang suicide ngayong buwan”

Comments are closed.