Tumutulong ang isang grupo ng mga OFW sa Saudi Arabia upang mabigyan ng computer training ang mga mamamayan ng Bacolod City sa Pilipinas.
Noong Miyerkules sa Bacolod City Government Center, ang Philippine-Saudi Arabia Hiligaynon (PINAS-SAHI) ay naghandog ng 13 mga computer at dalawang printer sa Bacolod Public Library, ayon sa ulat ng The Filipino Times.
Sinabi ni Arman Montero, ng dating presidente ng PINAS-SANHI, na ang mga computer at mga printer ay makatutulong sa digital literacy program ng silid-aklatan.
“Nakita naming kulang sila ng mga computer, kaya inaprubahan ng board ang donasyong ito”, sabi ni Montero.
Ang PINAS-SAHI ay isang grupo ng mga propesyonal at mga bihasang mga OFW sa Saudi Arabia na mga nagmula sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao. Nagbabalak din silang mag-donate rin ng mga computer sa Social Development Center ng Bacolod City.
Naghahandog na ang pampublikong silid-aklatan ng Bacolod City ng libreng basic computer training para sa mga senior citizens, sa mga out-of-school youths, at sa mga iba pang nais matuto kung paano gumamit ng computer. Mayroon nang 12 estudyante ang nakatapos ng kanilang training, at ang sunod na batch ay magsisimula sa ika-3 ng Setyembre.
Original: Filipino migrant workers donate computers to public library