Ang mga Filipinong mga nag-apply ng amnesty sa United Arab Emirates ay mabibigyan ng tulong pangkabuhayan ng pamahalaan pagkarating nila ng Pilipinas.
Sinabi ni Paul Raymund Cortes, ang Philippine consul-General sa UAE, na magbibigay ang Overseas Workers Welfare Administration ng US$100 o PHP5,340 sa mga Filipinong nag-apply sa amnesty program at piniling umuwi na lamang ng Pilipinas. May karagdagan pa itong US$375 o PHP25,365 na maibibigay bilang tulong pangkabuhayan, ayon sa ulat ng Gulf News.
“Ang welfare assistance ay maliit na bagay lamang na inihahandog ng gobyerno ng Pilipinas sa ating mga uuwing mga kababayan na ginamit ang amnesty program”, sabi ni Cortes.
Ayon kay Cortes, babayaran ng gobiyerno ang mga tiket ng eroplano ng mga Filipinong na ginamit ang amnesty. Gayunpaman, dagdag pa niya’y ang mga nauna nang bumili ng kanilang mga tiket ay hindi na maire-refund.
Sa suma total, mayroong 98 na Filipino, kasama na ang anim na menor de edad, ang naka-schedule na makauwi na sa Pilipinas sa ika-15 ng Agosto. Ayon sa Department of Foreign Affairs, nasa 10,00 Filipino sa Abu Dhabi at 20,000 naman sa Dubai ang maaaring mag-apply sa amnesty program.
Original: Filipinos using amnesty will be given US$475 by government