Nawalan ang isang grupo ng mga Filipino ng mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng pera at mga gamit habang sila’y nasa limang araw na hajj pilgrimage patungong Mecca, Saudi Arabia, simula noong ika-19 hanggang sa ika-23 ng Agosto.
Habang ang mga Filipino ay wala sa Manarat, isang hotel sa Mecca, pinasok ang kanilang kwarto ng mga ‘di pa nakikilalang mga magnanakaw, ayon sa ulat ng Business Mirror.
Nang makauwi ang mga Filipino sa hotel, nakita nilang hinalughog ang kanilang kwarto at ‘di na nila mahanap pa ang kanilang mamahaling mga gamit. Ayon kay Dimapuno Datu Ramos Jr., ang nangangasiwa ng media ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), nakakuha ang mga magnanakaw ng PHP124,000 at 19,500 riyals (o mahigit sa PHP277,000) na salapi.
Dagdag pa rito, nawalan rin ang mga Filipino ng mga laptop, mga relo, mga tablet at mga smartphones na nagkakahalaga ng PHP154,000. Nakuha rin ang sari’t saring mga alahas na nagkakahalaga ng PHP62,000. Ayon sa NCMF Bureau of External Relations, umabot sa PHP574,000 ang halaga ng mga nanakaw na pera at mga kagamitan.
Higit sa 6,000 na mga Filipino ang nakilahok sa limang araw na hajj sa Mecca. Iyon ay isang maliit na parte lamang ng higit sa 2 milyong mga pilgrim sa bawat sulok ng mundo.
Original: Filipinos burglarized while on pilgrimage in Saudi Arabia
Sagradong lugar me magnanakaw ano ba yn
Pilgrimage or Omra, it’s not advisable to bring luxury stuff to avoid possible loss of valuables.
I’ve performed hajj and Omra many times, thank God all my stuff were untouched.
Normal, kahit saan 🙁