Tatlong Filipina ang sinentesyahan ng 21 hanggang 24 taon na pagkakakulong dahil sa pagdadala ng apat na kilong cocaine sa Hong Kong.
Noong ika-23 ng Setyembre 2015, sila Shirley Chua, Remelyn Roque, Ana Louella Creus at Maricel Thomas ay nakipagkita kay Nora Noora sa bahay ni Roque sa probinsya ng Cavite. Si Noora ang nag-ayos ng kanilang mga tickets at binigyan sila ng apat na maleta. Inutusan silang dalhin ang mga ito sa Chungking Mansion sa Tsim Sha Tsui, ayon sa sunwebhk.com.
Makalipas ang dalawang araw, dumating na ang apat na babae sa Hong Kong. Si Roque at Creus ay nakalusot sa customs, ngunit si Chua at Thomas ay inaresto matapos mahulihan ng dalawang kilong cocaine ang kanilang mga bagahe.
Noong ika-27 ng Setyembre 2015, uuwi na sana ng Pilipinas sila Roque at Creus nang pigilan at hulihin sila ng customs matapos madiskubreng sila’y nagpuslit ng dalawang maletang hinihinalang naglalaman ng cocaine at dinala sa katransaksyon sa Chungking Mansion.
Noong ika-14 ng Nobyembre, napawalang sala si Thomas sa mga isinampang mga reklamo laban sa kaniya habang si Chua naman ay napawalang sala sa kasong pagpupuslit ng ilegal na droga sa Hong Kong. Noong ika-20 ng Agosto ngayong taon, hinatulan na ng korte sila Chua, Roque at Creus ng pagkakakulong.
Nahatulan si Chua ng 20 taon at 11 buwang pagkakakulong dahil sa pagpupuslit ng droga. Sila Roque at Creus ay nahatulan naman sa pagiging sangkot sa mga transaksyon ng mga ipinagbabawal na gamot.
Si Roque ay nahatulan ng pagkakakulong ng 22 taon at 11 buwan, habang si Creus naman ay nahatulan ng mas matagal na pagkakakulong na 24 taon, dahil si Creus mismo ang nag-abot ng mga maleta na naglalaman ng cocaine sa dalawang lalaki sa Chungking Mansion.
Original: Filipina drug couriers jailed for over 20 years in Hong Kong
When will you learn mga tanga
Chungking mansion is a den of prostitution and drug addicts
ang buhay nga naman…ingat ingat lang mga kapatid !
Imprisonment is not enough. It’s satisfying to read the HongKong court given them death sentence.
hay naku!
we stayed at one of the hotel there. scary place
work decently…di baleng katulong basta marangal