Higit na sa 100 wala sa hustong gulang na dalagang Filipino ang sinubukang umalis ng Pilipinas at mag-abroad gamit ang mga pekeng identidad at mga travel documents.
Pinagbabawalan ng Pilipinas ang mga aplikanteng wala pa sa edad na 23 na maging domestic worker sa labas ng bansa. Ngunit ayon sa Bureau of Immigration (BI), umabot na sa 114 na babaeng wala pa sa hustong gulang ang nagtangkang umalis ng Pilipinas upang makapagtrabaho sa abroad sa nakalipas lamang na dalawang buwan, iniulat ng Philippine Daily Inquirer.
Sinabi ni Marc Red Mariñas, ang acting immigration deputy and commissioner at Port Operations chief, na noong Hunyo lamang, 67 katao na ang naharang sa pag-alis ng Pilipinas matapos nilang umamin na sila’y wala pa sa hustong gulang.
Sabirin ni Maciñas na tuwing hinihingan ng mga legal na dokumento ang mga nahuhuli, mayroon naman silang mga valid na mga overseas-employment permit, mga work visa, at mga job contract. Nakasaad sa kanilang mga passport na sila’y may katandaan na, ngunit inamin rin nilang wala pa sila sa legal na edad.
“Halatang nabiktima ang mga dalagang ito ng mga sindikato na nagi-specialize sa pamemeke ng mga dokumentong magpapakitang sila’y nasa hustong gulang na upang makapagtrabaho sa abroad,” sabi ni Maciñas.
Ayon sa BI, apat na babae ang nahuli sa Ninoy Aquino International Airport sa Metro Manila sa pagtangkang lumipad patungong Riyadh, Saudi Arabia noong ika-2 ng Agosto. Nakasaad sa mga passport ng mga babae na sila’y malapit nang mag-30 anyos ngunit inamin naman nilang sila’y 21-anyos lamang.
Original: Underage women attempt to leave Philippines illegally