Isang Pinay na domestic worker sa Dubai ang namatay sa labis na pagtagas ng kanyang dugo matapos umanong uminom ng pampalaglag. Noong ika-29 ng Hulyo, si Angel Pauya Trasadas, 33- anyos, na naninirahan na sa United Arab Emirates noong pang 2013, ay namamasukan bilang isang part-time cleaner sa Dubai International City noong siya’y nakaranas ng labis na pagdurugo, ayon sa ulat ng Gulf News noong Linggo.
Namatay si Trasadas dahil sa labis na kawalan ng dugo. Ayon sa kaibigan ni Trasadas, na hiniling na huwag ilathala ang kanyang pangalan, nabuntis si Trasadas at gusto na niyang ipalaglag ang kanyang dinadala sapagkat hindi na niya kayang sustensiyahan ang sanggol at mayroon na siyang dalawa pang anak sa ‘Pinas.
Ayon sa kanyang kaibigan, sinubukan nitong kumbinsihin si Trasadas, na matagal nang nagtitigil sa UAE at expired na ang visa noon pang 2016, na huwag ipalaglag ang kanyang dinadala at maghintay na lamang ng amnesty period sa ika-1 ng Agosto upang siya’y makakuha ng visa o kaya naman ay makabalik na sa ‘Pinas.
Sabi ni Peter Pauya, pinsan ni Trasada, na nawalan na umano sila ng ugnayan kay Trasadas noon pang 2013, at nalaman na lamang nila ang kanyang pagkamatay sa social media. Ayon kay Pauya, humingi na ang kanilang pamilya ng tulong sa Philippines’ Department of Foreign Affairs upang maiuwi ang mga labi ni Trasada.
Ayon kay Philippine Consul-General Paul Raymund Cortes, maiuuwi lamang ang mga labi ni Trasadas kapag sa oras na matapos ang pagiimbestiga ng mga pulis sa pangyayari.
Original: Maid bleeds to death after taking abortion pill in Dubai