Sinabi ng babae sa isang video na hiniwa umano ang kaniyang ari at pinutol pa ang kaniyang mga utong ng kaniyang amo sa northern Bahrain at hindi rin siya pinasweldo ng limang taon.
Sa isang Facebook video na ini-upload ni Stephanie Esguerra, sinabi ng domestic worker na si Emma Balela, 33-anyos na inabuso siya ng kaniyang 52-anyos na Bahraining amo at pinatulog siya ng limang taon sa isang kwartong may kasalo siyang mga hayop. Sinabi rin niyang pinutol ng kaniyang amo ang kaniyang mga utong at parte ng kaniyang ari , ayon sa ulat ng Gulf Digital News.
Dinala si Balela sa isang ospital noong nakaraang buwan. Sabi niya’t tinulungan siya ng kapatid na babae ng kaniyang amo sa pamamagitan ng pagbili nito sa kaniya ng ticket sa eroplano pabalik ng Pilipinas at sa pagbawi nito ng kaniyang passport sa kaniyang amo. Noong nakalabas na si Balela sa ospital noong nakaraang lingo, agad siyang dumeretso sa airport.
Sa airport nakilala ni Balela si Esguerra na tumulong sa kaniya upang ipalaganap ang kaniyang karanasan sa social media. Sabi rin ni Balela na nais niyang magsampa ng kaso sa kaniyang amo upang mabawi niya ang kaniyang limang taong sahod.
Sinabi ni Ricardo Aragon, ang vice-consul ng Philippine Embassy sa Bahrain, na iniimbestigahan na ng embassy ang kaso at nakipag-ugnayan ang mga opisyales ng Department of Foreign Affairs sa Manila kay Balela nang siya’y dumating noong Martes.
“Sinalubong na ang babae ng mga opisyales ng DFA at kasalukuyang nagpapagaling sa St. Luke’s Hospital,” sabi ni Aragon.
Original: Maid, unpaid for 5 years, mutilated by employer in Bahrain
Update: Kasambahay, mayroon lamang PTSD at hindi sinaktan, ayon sa embassy

Hay hala san salbahe n amo
Dyos ko po. Dapat patayin Yung among katulad Nyan.
Mabigyan din sana sya ng hustisya.
Khit expired na passport nya , my mga travel documents na mn po pg embassy na ang kumilos para mka uwi cya.. buti nga my passport pa cya na hawak , yung iba nga wla tlgang passport pinauwi..pgdating nlng sa pinas kukuha ulit ng passport pg my balak mg abroad ulit..
sana naman magawan ng hustisya ang nangyari sa kababayan nating ito.grabe naman …salamat sa dyos at tinulungan sya ng kapatid nga amo nya ….para makauwi ….i pray for u.kabayan…
Ako C Weng walang problems Basta exit ka kahit expired passport pwede makakuha ng exit visa
Napakasakit ng sinapit nya huhu
Busaiteen Muharraq. BAHRAIN
Abnormal talaga. Buti mabait ang kapatid
Impossible…
Lilia Alegado sorry d me familiar s inyo lalot wala po pic pro file.
Hehehe! ikaw na Ako C Weng pinakamagaling, kaya may mga mali karin.
resulta ng ptsd ang mga nasabi nya kaya dapat maintindihan ng mga nagkoment d2,ano.basahin at intindihin ng maigi ang balita po.
5 years ang validity ng passport ano ito cinasabi ni Ako C Weng na less than 5 years ang bisa ng passport ng biktima ?
Ano na ba yun nilalaman ng sulat ng Phil Embassy na cinasabi nitong c Ako C Weng na di totoo cinasabi ng biktima?
S pinas pag nkadroga talo p ang hayop,paano p kaya paglulung yun.
Mraming totoong inabuso ang nanga2ilangan ng tulong ndi gnyan na ngcnungaling
Sa ginawa nya pti mga totoong inabuso mdadamay,,na hndi paniwalaan..search mo po ang Philippine embassy Bahrain pa mkita nyo po
Edwin Manaloto ndi nga po toto o ang mga sinabi nya,,,nilabas po ng Philippine embassy ng Bahrain ang result,,anjan po ang picture
Ako C Weng kahit 20 years pa expire passport nya, inabuso nga eh