Tel Aviv, Israel. Photo: Wikimedia Commons
Tel Aviv, Israel. Photo: Wikimedia Commons


Inaasahang magpipirmahan na ang gobyerno ng Israel at ng Pilipinas ng isang bilateral agreement para sa kapakanan at proteksyon ng mga OFW sa Israel.

Sinabi ni Effie Ben Matityau, ang Israeli Ambassador para sa Pilipinas, na ang kasunduan ay mapag-uusapan sa state visit ni President Rodrigo Duterte sa Tel Aviv ngayong buwan, ayon sa ulat ng Business Mirror.

Ipinahayag ni Matityau nang walang binabanggit na kahit anong detalye sa labor agreement, na makakapagpapabuti pa ito sa kalagayan ng mga OFW sa Israel. Sinabi niyang maliban pa sa labor agreement, parehong naghahanda ang Israel at ang Pilipinas ng listahan ng iba pang kasunduan sa mga temang depensa, teknolohiya, at agrikultura, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

“Kung pagbabasihan ang mga numero, talagang nakakapanabik ang mga kontrata at mga kasunduan, (at ito pa’y) nanggaling sa unang pagbisita ng presidente ng Pilipinas”, sabi ni Matityau.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mayroong nasa 50,000 mga Filipino ang nagtatrabaho sa Israel, at kalimitan sa mga ito ay mga caregivers. Isa rin ito sa mga bansang mataas magpasahod sa mga Filipinong domestic workers.

Original: Israel and Philippines to sign pact on workers’ protection