Isang Arabiyano ang sinampahan ng kaso sa pakikipagkabit sa isang Filipinang nars na nagpakamatay rin noong Hulyo. Nagkakilala ang dalawa sa Al-Makhwat kung saan sila’y parehong nagtrabaho.
Kasal na ang lalaki ngunit nakipagrelasyon pa rin ito sa Filipinang nars, ayon sa ulat ng Gulf Digital News. Hindi inilahad ng ulat ang pagkakakilanlan ng dalawa.
Noong mga huling araw ng Hulyo, natagpuan ang babaeng nagbigti sa loob ng kaniyang kwarto sa nurses’s accommodation sa Al-Makhwat. Nag-iwan ang babae ng sulat sa kaniyang higaan at inilathalang niloko siya ng lalaki sa usapang pinansyal at nangako sa kanyang sila’y magpapakasal, na naging dahilan ng kanyang pagpapakamatay.
Inilathala rin ng babae ang pagkakakilanlan ng lalaki, na naging dahilan upang ito’y maaresto, at ngayon ay kinakaharap na niya ang batas sa kadahilanang pakikipagkabit sa Filipina.
Noong ika-3 ng Agosto, umamin na ang lalaki at ngayon ay naghihintay lamang siyang maimbestigahan at mahatulan. Ang paggawa ng pangangalunya o pakikipagkabit sa Saudi Arabia ay maituturing na isang criminal offense ayon sa kanilang Sharia Law at ang mga nagkasala ay babatuhin hanggang sa mamatay.
Original: Saudi man charged for having affair with Filipina nurse