Sinamantala ng Filipina na nag-overstay sa United Arab Emirates ng halos walong taon ang amnesty program upang makaiwas sa limpak-limpak na multa sa kaniyang pag-ooverstay, at nakauwi na rin siya sa Pilipinas.
Si Yunilyn Liamzon, 40-anyos, na nagpunta sa UAE gamit ang employment visa noong 2010, ay nawalan ng trabaho nang magsara ang salon na kaniyang pinapasukan noong 2011. Matapos noo’y nakahanap siya ng trabaho sa Ajman, ngunit dahil hindi inasikaso ng kaniyang bagong amo ang kaniyang visa, lumabas na nanatili siyang ilegal sa UAE, inulat ng Khaleej Times.
Sinabi ni Liamzon na nag-expire ang kaniyang passport noong 2015 at umabot ang kaniyang mga ‘di nababayarang mga multa sa pag-ooverstay ng 170,000 dirhams o halos PHP 2.5 M. Dagdag pa niya’y nais na rin niyang bayaran ang mga ito noong 2016, ngunit kapag ginawa niya ito, magkakaroon rin siya ng travel ban sa bansa, at kaya hindi na niya itinuloy ang plano.
Sa pamamagitan ng amnesty program ng UAE ngayong taon, ipinasawalang bisa na ang mga multa ni Liamzon at pinayagan nang makauwi sa Pilipinas. Dagdag pa ni Liamzon, magpapakasal na rin sila ng kaniyang kasintahang Emirati, na nakilala niya anim na taon na ang nakakaraan, sa kaniyang probinsiya sa Davao City bago sila bumalik muli ng UAE.
Isa si Liamzon sa second batch ng mga Filipinong makakauwi na sa ika-15 ng Agosto matapos ng kanilang mga aplikasyon sa amnesty. Matapos nilang magpakasal ng kaniyang kasintahan, babalik muli sila sa UAE sa susunod na buwan.
Ayon kay Renato Duenas Jr., ang deputy consul-general ng Pilipinas, mayroong nasa 265 na mga exit passes na ang mga naissue sa mga Filipinong mga nag-overstay simula pa noong ika-25 ng Agosto at mayroon nang higit sa 500 mga Filipino ang mga nag-renew ng kanilang mga passport upang makakuha sila ng pansamantalang visa na tatagal lamang ng anim na buwan.
Original: Filipina marries Emirati after amnesty waives overstay fines