Abu Dhabi, United Arab Emirates. Photo: iStock
Abu Dhabi, United Arab Emirates. Photo: iStock


Binalaan na ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi ang mga grupo ng mga Filipinong manggagawa sa pangangasiwa ng ilegal na charity drives sa UAE.

Naglabas na ng pahayag ang Philippine Embassy na nagsasabing ang mga tao at grupong nagpaplanong mag-organisa ng mga fundraising activities o mga events ay dapat munang maaprubahan ng Islamic Affairs and Charitable Activities Department (IACAD), ayon sa ulat ng The Filipino Times.

“Ang mga tao at mga organisasyong nais magplano upang mangolekta ng mga donasyon o magsagawa ng mga fundraising na mga events ay inaabisuhang lumapit muna sa mga rehistradong mga charity na awtorisado ng IACAD at kumuha ng written approval mula sa IACAD”, sabi ng embahada.

Nakasaad sa Decree No. 9 of 2015 na inilathala ng Bise Presidente at Prime Minister ng UAE at Hari ng Dubai Ang Kaniyang Kamahalang si Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, ipinagbabawal na mangolekta ng mga donasyon o mangasiwa ng kampanyang fundraising sa lahat ng uri ng media nang hindi inaapruba ng IACAD.

Ang mga lalabag ng decree ay maaaring humarap ng dalawang buwan hanggang sa isang taong pagkakakulong at pagmumultuhin ng 5,000 hanggang 10,000 dirhams (o mahigit sa PHP 70,000 hanggang PHP 145,000).

Original: Embassy warns Filipinos against illegal UAE charity drives