Princess San Diego, a former Filipino migrant worker, failed in at least 14 business ideas until her reinvention of a traditional Filipino dessert started gaining recognition and success. Photo: Facebook (What's Your Flan?)
Princess San Diego, a former Filipino migrant worker, failed in at least 14 business ideas until her reinvention of a traditional Filipino dessert started gaining recognition and success. Photo: Facebook (What's Your Flan?)


Ang dating OFW na mayroong mahabang listahan ng mga naluging kabuhayan ay ngayon na’y nakahanap ng tagumpay nang lagyan niya ng sarili niyang twist ang isang traditional Filipino dessert at nang ito’y nakakuha ng atensyon online.

Si Princess San Diego, na dating nagtatrabaho sa Dubai, ay nagkaroon na nang nasa 14 na naluging mga business ideas, ngunit hindi ito naging hadlang sa kaniya upang maabot ang kaniyang pangarap na maging entrepreneur.

Ang kaniyang pinakabagong business ay aksidenteng nangyari noong 2016 nang lagyan niya ng sarili niyang twist ang paggawa ng leche flan, isang sikat na Filipinong caramel custard dessert, ayon sa ulat ng Entrepreneur Philippines.

Nag-eksperimento lamang si San Diego nang haluan niya ng matcha, isang Japanese green tea, ang dessert at pinost ito online. Nag-viral ang larawan at nagsimula na siyang makatanggap ng mga tanong galing sa mga taong gustong bumili ng dessert.

Ginawa ni San Diegong business ang dessert idea na tinawag niya itong “What’s Your FLAN” at natriple ang kaniyang puhunan ng wala pa sa isang linggo. Matapos noong 2016, kumikita na siya ng nasa PHP20,000 kada linggo galing sa kaniyang home-based na business.

Inexpand niya ang kaniyang business sa pag-imbento niya ng iba pang mga recipe at pakikipag-partner sa mga reseller sa iba’t ibang parte ng Luzon at Davao. Simula pa noong Hulyo, mayroon na siyang 40 resellers at kumikita na ng nasa PHP20,000 hanggang PHP40,000 sa bawat isa rito.

Original: Ex-migrant worker strikes it rich in dessert business