Quiapo, Manila in the Philippines. Photo: Wikimedia Commons, Patrickroque01
Quiapo, Manila in the Philippines. Photo: Wikimedia Commons, Patrickroque01


Patay ang isang dating OFW matapos bugbugin umano ng mga pulis sa Pilipinas.

Noong ika-2 ng Agosto, si Allan Rafael, na dating nagtrabaho sa Saudi Arabia bago umuwi ng ‘Pinas at na-diagnose ng cancer, ay naaresto sa checkpoint ng mga pulis sa Quiapo, ayon sa ulat ng Phiippine Daily Inquirer.

Nagpost si Aarun, ang kapatid ni Rafael, sa Facebook na ninakaw umano ng mga pulis ang relo ni Rafael at pinilit siyang mag-withdraw ng pera sa bangko bago siya dalhin sa Barbosa Police Station.

Iminungkahi ni Aarun na binugbog umano si Rafael ng mga pulis, at dahil sa kanyang payat na pangangatawan, ay pinilit na paaaminin na siya’y sangkot sa ilegal na droga. Binisita nila Aarun at ng kanyang pamilya si Rafael sa police station noong Linggo, noong ito’y mukang may lakas pa. Namatay ito kinabukasan.

Nag-release ng statement ang Manila Police District (MPD) na itinatanggi nilang binugbog si Rafael at siya’y namatay dahil sa atake sa puso o cardiorespiratory arrest. Dinala si Rafael sa Jose Reyes Memorial Hospital ngunit siya’y idineklara nang dead on arrival.

“Nais naming linawin na ang naaresto ay hindi nakaranas ng torture o kahit ano pa mang pagtatratong ‘di makatao”, ayon sa statement ng MPD.

Ang sabi pa ng MPD, noong maaresto si Rafael, nakatagpo sila sa kaniya ng dalawang sachet ng shabu (methamphetamine).

“Tapat naming gagawin ang aming tungkulin upang masiguradong ang kanyang pamilya at ang ating pamayanan ay malalaman ang lahat ng aming hakbang sa pagiimbestiga upang makapagbigay ng malinis na imbestigasyon,” sabi ng MPD.

Original: Ex-Filipino migrant worker ‘beaten up’ by cops, dies