Rosario "Charito" Bandal (inset) was one of the top female chess players in the Philippines. Photos: Facebook, iStock
Rosario "Charito" Bandal (inset) was one of the top female chess players in the Philippines. Photos: Facebook, iStock


Si Rosario “Charito” Bandal, na isa sa mga batikang manlalaro ng chess sa bansa, ay pumanaw na sa edad na 78, sa lungsod ng Calbayog, sa probinsya ng Samar.

Si Bandal ay ang babaeng panganay na anak ni Rosendo Bandal Sr., na siyang nagwagi noong 1950 sa National Chess Championship, ayon sa ulat ng Rappler.

Siya at ang kanyang tatlong nakababatang kapatid ay kilala nang sumasali sa iba’t ibang paligsahan ng chess dito sa bansa bago pa man makilala si Charito bilang isa sa pinakamagagaling na babaeng manlalaro ng chess.

Noong 1970, siya’y naging regular na manlalaro sa iba’t ibang paligsahan sa bansa at pumangalawa sa National Chess Championship, sunod kay Lita Alvarez.

Ngunit noong 1976, nabigong makapasok si Charito sa kauna-unahang grupo ng mga kababaihan na magre-represent ng Pilipinas sa 22nd Chess Olympiad na idinaos sa Haifa, Israel. Ganoon pa man, itinuloy niya pa din ang paglalaro ng nakahiligang isports.

Di nagtagal, siya ay nagtrabaho bilang assistant ng chief prosecutor sa Manila City Hall at ng Regional Trial Court Judge sa Gandara, Samar.

Original: Leading Filipina chess player dies, aged 78