Dubai-Al Ain Road in Al Ain, Abu Dhabi. Photo: Wikimedia Commons
Dubai-Al Ain Road in Al Ain, Abu Dhabi. Photo: Wikimedia Commons


Hawak na ng mga pulis sa Abu Dhabi ang driver ng kotse na nakabundol sa babaeng OFW sa highway habang sinusuri nito ang mga gulong ng kaniyang kotse kung pumutok ba ang isa sa mga ito.

Ang 34-anyos na babae, na nagtatrabaho bilang isang sales executive, ay nabundol sa kaniyang likuran sa Dubai-Al Ain Road noong Huwebes, ayon sa isang pahayag ng Philippine Department of Foreign Affairs sa Manila. Dinampot na ng mga pulis ang driver, ayon sa ulat ng Gulf News.

Sinabi ni Vice Consul Von Ryan Pangwi, ang nangangasiwa ng Assistance-to-Nationals Section sa Philippine Embassy sa Abu Dhabi, na magbibigay ang embassy ng tulong na legal sa pamilya ng biktima kung sakaling kailanganin nila ito.

Ayon kay Pangwi, hindi ilalathala ang identidad ng babaeng biktima upang maprotektahan ang privacy ng pamilya nito sa Pilipinas, na ngayon pa lamang ipagpapaalam ang insidente. “Hindi kami maaaring maglabas ng impormasyon sa ngayon, sapagkat isinasailalim pa lamang ang insidente sa imbestigasyon ng mga pulis”, dagdag pa niya.

Sinabi ni Hjayceelyn Quintana, ang Philippine Ambassador para sa United Arab Emirates, na lubos na ihahandog nila ang tulong ng kanilang embahada upang maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ng babae.

Original: Woman killed after being hit by car as she stood on highway

2 replies on “Babae, patay matapos mabundol ng kotse sa kaniyang kinatatayuan sa highway”

Comments are closed.