Kuwait. Photo: Wikimedia Commons, Irvin Calicut
Kuwait. Photo: Wikimedia Commons, Irvin Calicut


Lumabas sa isang recent study na 78% ng mga Filipinong domestic workers sa Kuwait ay hindi nagkakaroon ng day off kahit na ito’y malinaw na nakasaad sa batas bilang legal requirement.

Ayon sa isang ulat ng Kuwait Times,  mahigit sa 200 Filipinong domestic workers ang tinanong kung sila ba’y nakakapag-day off kada linggo. Sabi sa survey, 78% ng mga domestic workers ay hindi nagkakaroon ng day-off, at mayroon pang isang domestic worker na nagsabing nagkakaroon lamang siya ng dalawa o tatlong oras na pahinga kada buwan.

Isang domestic worker na nagngangalang Lina, na nagtatrabaho na sa Kuwait ng mahigit 12 taon, ang nagsabing humingi siya ng day off upang makapagpahinga naman matapos ng isang linggong pagtatrabaho. Isa pang domestic worker na nagngangalang Felicitas ang nagsabing nagkakaroon lamang siya ng day off tuwing Pasko.

Ang ibang domestic workers naman ay hindi maaaring lumabas ng bahay ng kaniyang amo nang walang kasama. Isang domestic worker na nagngangalang Amfaro, 56-anyos, na namamasukan na sa kaniyang amo ng 20 taon, ang nagsabing wala raw tiwala ang kaniyang amo sa mga nakikipaghalubilo sa kaniya, lalo na sa mga taong hindi niya kakilala.

“Sa tingin ko naman na okay lang ito, pinangangalagaan lang naman nila ako”, sabi ni Amfaro.

Noong Mayo, nagpirmahan ang Pilipinas at Kuwait sa isang kasunduan ukol sa pangangalaga sa mga Filipino domestic workers. Nakasaad rito na ang bawat domestic worker ay kinakailangang magkaroon ng isang araw na pahinga kada linggo. Gayunpaman, dalawang buwan matapos ang pirmahan, lumalabas na mahigit sa three-quarters ng mga Filipino domestic workers ay hindi pa rin nararanasan ang nararapat na isang araw na pahinga kada linggo.

Original: Survey says 78% of Filipino maids in Kuwait have no day off