Ang isang Pinay na ilegal na nanirahan sa United Arab Emirates ng 31 na taon ay nagkaroon ng overstay fines na humigit sa 1.08 million dirhams o PHP15.62 M ay binayaran ng gobyerno.
Ayon kay Brigadier Hassan Sultan Al Nuaimi, ang executive director ng General Directorate of Residency and Foreigners’ Affairs sa northern emirate ng Ras al-Khaimah, nagpunta sa UAE ang babae noon pang 1985 at namasukan bilang isang kasambahay nang dalawang taon, ayon sa ulat ng Khaleej Times.
Matapos ang dalawang taon, naging ilegal na sa siyang residente. Noong naabutan na siya ng mga awtoridad, nasampahan siya ng nasa 1.08 million dirhams na piyansa sap ago-overstay sa UAE ng halos 31 taon. Gayunpaman, sinagot ng gobyerno ang kaniyang mga piyansa dahil sa amnesty program ng bansa.
Ang overstay fines ng iba pang ilegal na residente ay sinagot din at pinayagan nang makauwi. Sinabi pa ng isang babae na umabot sa 528,000 dirhams o halos PHP 8M ang kaniyang overstay fines dahil ilegal siyang nanirahan sa UAE noon pang 2003. Nais niyang umuwi na sa ‘Pinas ngunit babalik din siya sa UAE upang magtrabaho roon nang legal.
Magpapatuloy ang amnesty program ng UAE hanggang sa ika-31 ng Oktubre. Maaaring mamili ang mga residenteng naninirahan nang ilegal sa bansa kung aayusin nila ang kanilang status at kumuha ng visa o kaya naman ay makauwi na sa kanilang mga bansa nang walang binabayarang mga piyansa.
Original: Filipino’s 31-year overstay fines waived by UAE govt