Indonesian domestic workers in Causeway Bay on Hong Kong Island. Photo: Asia Times
Indonesian domestic workers in Causeway Bay on Hong Kong Island. Photo: Asia Times


Isang amo sa Hong Kong, inireklamo nang online ang tungkol sa paglayas ng kaniyang Indonesiang kasambahay matapos nitong mangutang kung kani-kanino.

Ipinost ni Kee Yin Wan ang dalawang litrato ng kaniyang domestic worker sa isang Facebook group noong Lunes, na may caption na hinaharas umano siya ng mga nagpautang sa kasambahay matapos siya nitong layasan, ayon sa ulat ng Headline Daily.

Ayon sa amo, ang kasambahay na nananatili sa kaniya ng halos dalawang taon at nagrenew lamang noong Marso ng kaniyang kontrata, ay nag-day-off noong Linggo nang umalis ito at ‘di na bumalik.

Nang makauwi ang amo galing sa kaniyang trabaho noong Lunes ng gabi, nadiskubre niyang nawala na ang mga gamit ng kasambahay pati na ang susi ng kaniyang bahay. Dagdag pa niya’y sinubukan pa niyang tawagan ito ngunit wala nang sumasagot.

Sinubukan rin niyang i-message ito sa WhatsApp ngunit nalaman niyang binlock na siya pala nito. Kinabukasan ay tinawagan na siya ng mga nagpautang sa kasambahay. Nalaman niyang noong makalipas pang isang taon, hindi pala binabayaran ng kasambahay ang kaniyang utang sa mga iba pang Indonesiang kasambahay.

Original: Employer harassed by moneylenders after maid flees