Isang Filipinong domestic worker na tumakas mula sa kaniyang amo ang nailigtas ng kaniyang mga kababayan sa siyudad ng Jeddah, Saudi Arabia.
Natagpuan ang Filipina na naglalakad sa kalye nang walang saplot sa paa, suot lamang ang pajamas, nang wala ang kaniyang abaya, na siyang sinusuot ng mga babaeng taga-Saudi, ulat ayon sa GMA News.
Si Thearhea Tungol, isa sa nakakita sa Filipina, ay sinabing nakita niya ito sa isang terminal malapit sa hospital kung saan siya nagtatrabaho. Ayon sa kaniya, nilapitan niya ito at sinabi nitong siya ay tumakas mula sa kaniyang amo at nagmakaawa upang siya ay makatakas.
Isinama ni Tungol ang babae sa hospital at ipinagbigay alam sa Migrants Rights Advocate upang matulungan itong mapunta sa Konsulado ng Pilipinas. Ayon kay Tungol, maaaring may sakit sa pag-iisip ang babae at maaari ding depressed ito. Hindi pa sigurado kung ito ay nakaranas ng pangma-maltrato mula sa kaniyang amo.
Si Yolanda Peñafranda, welfare officer ng Philippine Overseas Labor-Office Overseas Workers Welfare Administration, ay nagbigay ng tulong sa babae at sinabing makikipag-ugnayan sa kaniyang amo matapos nilang makakuha pa ng iba pang impormasyon mula sa Filipinang domestic worker.
Original: Filipino domestic worker rescued by compatriots in Jeddah