MyVoice at HOME team meeting. Photo: MyVoice website (https://myvoiceathome.org//)
MyVoice at HOME team meeting. Photo: MyVoice website (https://myvoiceathome.org//)

Our Homes, Our Stories, isang aklat ng mga tula na naisulat ng ilang foreign domestic workers sa Singapore ay ipapalabas na sa International Women’s Day sa Marso ng susunod na taon. Ito’y magiging isang boses para sa mga kababayan lila na nagtatrabaho roon.

“Kung nakatulog kami, kinabukasan makikita ng amo namin sa CCTV at sisigawan kami” sabi ng isang domestic worker na gumagamit ng pseudonym na“April Lin” sa The Straits Times. Sinabi niya na hindi raw sila maaring matulog ng kanyang kapwa-katulong para magbantay sa mga anak ng employer nila.

“Sinabihan ako ni Ma’am na papatayin niya ako” sinabi ni Lin.

Mga 2,000 kopya ng libro ay nai-publish ng Humanitarian Organization for Migration Economics (HOME), isang non-government organization na sumusuporta sa mga migrant workers. Ipinakita ng libro ang masasamang karanasan ng mga domestic workers sa Singapore, katulad ng sekswal na pagaabuso at karahasan.

Ang mga tula ay unang isinulat sa sariling wika ng domestic workers, pagkatapos ito’y isinalin sa Ingles ng MyVoice – isang grupo ng HOME volunteers. Kasama dito ay si Karien van Ditzhuijzen, isang Dutch na freelance writer at creative-writing teacher.

Ayon kay Sheena Kanwar, executive director ng HOME, inaasahan niya na ang mga gawaing pampanitikan ay makakatulong sa pagdadala ng empatiya at paggalang sa pagitan ng mga employer sa Singapore at mga domestic workers.

Ang bagong libro ay sumusunod sa estilo ng Songs From A Distance, na na-publish ng Transient Workers Count Too (TWC2) – isang migrant worker group.

Nilalahad nito ang mga ginawang tula ng 15 na domestic workers na nanalo sa Migrant Worker Poetry Competition sa nakalipas na dalawang taon.

Kabilang sa mga tula ay “Ang Aking Kwento” na isinulat ni Rolinda Espanola pagkatapos niyang basahin ang isang artikulo tungkol sa kababayan niyang si Thelma Oyasan Gawidan. Nakaramdam si Espanola ng tinding galit sa nangyari kay Gawidan kaya niya isinulat ang tula. “Gusto kong magbigay ng hustisya sa kanya,” sinabi ni Espanola.

Sabi ni Rea Maac, isa pang Pilipinong domestic worker, ang mga employer ng mga kaibigan niya ay palagi silang minamaliit. “Ito ang pagkataon ko para magsalita para sa kanila,” sabi niya.

Isinulat ng isang Indonesian na si Wiwik Triwinarsih ang tula na pinapagatang “Rindu” (“Missing You” sa Ingles) para sa kanyang anak, upang ipakita sa kanya na bukod sa pagiging domestic helper, maaari pa rin niyang makamit ang kanyang mga pangarap.

[English version] Poetry book to speak up for maids in Singapore